Categories
Uncategorized

Digmaang Kulay: Sanaysay

© Thomas Pynchon’s pabalat ng nobela

Bakit naka-depende ang tao sa kulay palagi? Kahit saan at anong aspeto ay makikita mo ang iba’t-ibang kulay na nakikipagdigma sa ibang kulay gaya ng kapag tuwing eleksyon, kulay sa lahi ng isang tao at kulay kung ano ang nasyonalidad nito. Makulay ang buhay pero kapag dumating sa mga aspeto na kung saan maraming tao ang merong opinyon ay di maiiwasan na magkaroon ng digmaan.

Digmaan hindi ibig sabihin na magkaroon ng WW3 (World War Three), Ang punto ay nagkakaroon ng bahagi sa pagitan ng kulay.

Ang isang tao kapag iba ang kulay niya sa kung ano ang kulay ng karamihan ay nagiging iba siya sa kanila. Kaya nagkakaroon ng tinatawag na “Color Wars.”

Kapag ba iba ang kulay ng isang tao o iba ang kulay na gusto niya kahit na labag ito sa kalooban ng kulay ng maraming tao ay hindi na siya tao? Parang hindi naman makatao yun diba?

Kapag nagkakaroon ng “Color Wars” ay walang pagkakaisa kailanman sa isang bansa kahit na gustuhin pa nitong umunlad.

May iba’t-ibang kulay na makikita pero kawawa ang bansa kapag nakabase na lang palagi sa kulay.

Ang kulay kapag ginamit ng tama at alam ang kahulugan nito, nagiging isang simbolo ito. 

Hindi magkakaroon ng pagkakaisa kung iba’t-iba ang kulay kahit na nasa democracy na bansa pa ito.

Kapag tuwing eleksyon ang tao ang may kapangyarihan para pumili hindi ang tumatakbong kandidato na kung saan siya pa ang pumipili kung sino ang mga tao na gusto niyang maging sa kanya para siya ay Iboto. Ulit, Ang tao ang may kapangyarihan para pumili. Ito ang dahilan kung bakit may democracy.
Pinipili mo ba ang taong manunungkulan sa bansa dahil sa democracy ng bansa o para na lamang sa pansariling interest? Nasa tao ang pasya kaya merong eleksyon.

Noong eleksyon ay maraming mga tao ang iba’t-iba ang pasya kung sino ang kanilang iboboto. May kanya-kanyang opinyon tungkol sa mga isyu at mga nangyayari sa mundo ng politika pero iisa lang ang dahilan kung bakit may eleksyon dahil nasa bansang demokrasya tayo.
May nabasa ako na isang aklat na ang pamagat ay “Finite and Infinite Games na isinulat ni Dr. James P. Carse.
Finite and Infinite Games (1986) Isang aklat na nagsasaliksik sa konsepto ng mga laro bilang metapora para sa pakikipag-ugnayan at relasyon ng tao. Nakikilala sa pagitan ng mga larong may hangganan, na may mga nanalo at natalo, at walang katapusang mga laro, na inuuna ang pagiging mapaglaro at pagpapatuloy.
Ang Finite and Infinite Game ay nagiging metapora tungkol sa usaping Politika. Ang politaka ay isang laro. Sa gustuhin mo man o sa hindi. Ito ay mapaglaro. Ang tanong ay anong laro ito? Finite o Infinite? Para sa akin pareho. Nagiging Finite na laro ang politika sapagkat may nanalo at natalo.
Nagiging Infinite naman ang politika sapagkat nagpapatuloy ang laro o daloy ng takbo nito. Nagpapatuloy ang mga gawain nito. Ang mga hakbang ng mga namumuno na nanalo dahil sila ang inihalal ng maraming tao noong eleksyon.
Nagkakaroon ng problema sa politika kung mas pinagtuonan ng pansin ng mga namumuno nito ay ang larong finite. Paano ba natin malalaman kung ang isang namumuno ay mas lalo niyang pinagtuonan ng pansin ang finite na laro? Kapag mas pinagtuonan niya ng pansin ang mga kalaban sa politika o binigyang pansin pa lalo ang pamumulitika. Dito nagkakaroon ng mga isyu, problema at kawalan ng tiwala sa gobyerno ang maraming tao.

Ang solusyon para maiwasan ito ay dapat maglaro ng “Infinite” na may “Infinite Mindset.” Ang pagkakaroon ng Infinite Mindset ay naka-focus lagi sa hinaharap. Paano ba nakaka-focus sa hinaharap kung lagi na lang may awayan at alitan? Syempre kapag may awayan at alitan ay hindi maiiwasan na maungkat ang mga nakaraang pagkakamali o mabagal na paggawa. Kailanman at saan ay hindi nagiging solusyon ang awayan at alitan. Nagiging stratehiya kasi ito sa ilan para sila ang magmukhang mas mabait. Kung ang mga namumuno sa bansa ay magkaroon lang ng malawak na pananaw sa hinaharap, ito ang unang hakbang patungo sa maunlad na bansa.

Ang ikalawang hakbang ay ang matibay na pagkakaisa. Ang isang bansang watakwatak ay kailanman hindi uunlad kahit na umunlad pa ang isang lalawigan at syudad kung hindi naman din maunlad ang buong bansa. Anong silbi ng watawat na kung saan ito ay simbolo ng isang Lugar? Kung ang lalawigan o syudad ay maunlad tapos ang iba ay hindi, para na ring meron silang sarili o ibang watawat na winawagayway.

Ikatlong hakbang ay ang ukol sa katiwala at pinagkatiwalaan. Magkaiba itong dalawa. Ang katiwala ang siyang mananagot sa mga sakop niya. Siya rin ang taga bantay sa mga nasasakupan niya. Ang pinagkatiwalaan ay ang mga sakop o mamamayan. Dapat magkaroon ng tiwala sa isa’t-isa para makapagtrabaho ng maayos. Ito ang tinatawag sa “English” na “Trusting Teams.”

Ang isa pang hakbang ay ang hindi maiiwasan na “Rivalry” sa pagitan ng mga politiko. Ang isang leader ay may kahinaan at kalakasan. Kapag mas tinitignan ng isang leader ang isa pang kandidato na gustong maging leader, nahahayag ang kahinaan nito dahil sa kalakasan. Sa madaling salita, ito rin ay nagiging oportunidad para ma-improve ang sarili. Kaya imbis na siraan at bastusin ang kalaban sa politika ay nagiging “Worthy Rival” ito.

Ang paghuling hakbang na gusto kung ipaalam sa sanaysay na ito ay ang sakripisyo. Ang sakripisyo ng isang leader para sa kanyang mga nasasakupan ay kailanman hindi malilimutan ng mga tao. Ang sakripisyo na itanggi ang sarili para sa mga tao. Kahit ang sahod nito kayang isakripisyo. Sa totoo nga niyan ay sa taong bayan din galing ang sahod ng mga nanunungkulan. Ang iba ginawa na ito, sinakripisyo ang sahod para sa pakinabang ng mamamayan. Ito naman talaga ang dapat para mawala na rin ang korupsyon. Matapang at totoo ang isang leader ng bansa patungo sa tunay na pagkakaisa.

Ang punto ay ito: Ang pagkakaroon pagkakaisang bansa ay mahirap pero mas lalong humihirap kung walang pagkakaisa.

Copyright ©️ 2025 Mark Tacastacas, All Rights Reserved.

Reperensiya & bibliograpiya:

Mga Aklat:

Finite and Infinite Games: A Vision of Life as Play and Possibility by Dr. James P. Carse (Free Press, 1986)

The Infinite Game by Simon Sinek (Portfolio, 2019)

Design a site like this with WordPress.com
Get started