Categories
Uncategorized

Hear the Waves Roar

Pagkagising ko pa lang sa umaga ay ramdam ko ang lamig ng panahon na tila bagay sa sobrang lamig ay hahanap-hanapin ko ang kumot na magsisilbing init sa malamig na panahon. Yung bahay na tinitirhan ko ay malapit sa dagat. Noong unang pagkadating ko pa lang dito sa probinsya ay wala akong alon na nakita at napakalinaw na tubig ang aking namasdan. Naglakad-lakad ako dito sa dalampasigan na parang naglalakbay na may hinahanap na katangian na sumisimbolo patungo sa kapayapaan. Payapa ang dagat na parang kay ganda pagmasdan at ang hangin ay sariwa na kay sarap maramdaman sa katawan.

Sa paglalakad ko dito sa dalampasigan ay may nakita akong isang tao. Hindi ako sigurado kung tao ba ito o isang malaking aso. Palapit ito ng palapit sa aking kinaroroonan. Kinakabahan naman ako sapagkat baka meron siyang balak na masama sa akin.
“Roarrrrr! Bakit ka nandito?”
Nagsalita itong Leon na ang katawan niya ay tao. Ang suot niya ay t-shirt at shorts na para bang nagpapalipas din siya ng oras dito sa dalampasigan.
“Naglalakad-lakad lang ako dito…” Sabi ko.

Sa pagkakataong ito, nagtaka ako sapagkat bakit merong leon na nakakapagsalita at bakit ang katawan niya ay tao baka panaginip lang ito.
“Kung iniisip mo na ito ay panaginip, tama ang akala mo.” Sabi ng Leon na ang katawan ay tao.
“Kaya sa pagkakataong ito ay tulog ako?”
“Tama tulog ka sa pagkakataong ito.”

Kung panaginip ang lahat ng ito ay gigising ako sa katotohanan. Ang nangyayaring ito ay isa lamang panaginip na hindi totoo. Habang nag-iisip ako na panaginip lang ito, lumakad ang leon patungo sa kanyang “Beach Chair” at siya ay humiga dito. Medyo maaraw na din ngayon. Nagtaka ako sapagkat kinuha niya ang kanyang sunglasses at isinuot niya ito. Bagay naman sa kanya pero hindi talaga ako makapaniwala na may isang leon dito na nagsasalita dito sa dalampasigan at mukhang nagrerelax naman siya. Lumakad ako papunta sa kinaroroonan niya. Nag-iisip ako sa pagkakataong ito kung kakausapin ko siya na gaya ng pakikipag-usap sa totoong tao sapagkat hindi talaga ako makapaniwala na may isang leon na nagsasalita dito sa dalampasigan.
“Ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ko.
“Pangalan ko? Leon pangalan ko.”
“I mean… Yung pangalan mo yung legal name mo…”
“Wala! Wala akong pangalan.”
“Saan ka nakatira at anong trabaho mo?”
“Taga Manila ako, purong tagalog ako at isa akong CEO sa isang kompanya.” Sabi ni Leon.

Mukhang halata naman sa kanya na mayaman siya at kita ko ang relo at kwentas na gold na nasa kanyang leeg at kamay. Mukhang hindi siya basta-bastang leon lang. Kinausap ko pa siya at inalam pa kung sino talaga siya.
“Bakit ka nga pala nandito sa probinsya at sa dalampasigan?”
“Nandito ako para makapagpahinga man lang sa nakakapagod na mundo ng negosyo.” Sabi ni Leon.
“Ikaw bakit ka nandito?” Tanong ni Leon.
“Ako? Hindi talaga ako taga dito… Nagbakasyon lang din ako para makapagpahinga din sa trabaho.” Sabi ko.
“Anong trabaho mo?”
“Isa akong Accountant at naiinis ako sa boss ko sapagkat madami siyang demand sa akin… Utos doon, utos dito, sunod-sunod na utos… nakakapagod kaya nag-leave ako.”

Nagising ako sa panaginip na yun habang ako ay nandito sa probinsya. Unti-unti kung minulat ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa panaginip na yun dahil wala namang leon na nagsasalita. Bumangon ako sa aking higaan at pumunta sa kusina. Nag-init ako ng tubig at kumuha ng baso. Noong kumukulo na ang tubig ay nag-timpla ako ng kape. Sa umagang ito ay maalon at mahangin. Maririnig dito sa bahay ko na malapit din sa dagat ang malakas na tinig na parang isang ungol ng leon. Lumabas ako ng bahay na naka-jacket. Habang ako ay naglalakad ay napaisip ako sa panaginip na aking naranasan. Wala akong nakita na leon sa dalampasigan. Napunta na ako sa iba’t-ibang parte ng dalampasigan pero wala talaga akong nakita na leon. Ang tanging naririnig ko lang ay alon sa dagat na parang isang ungol ng leon.

COPYRIGHT ©️ 2023 ALL RIGHTS RESERVED

Design a site like this with WordPress.com
Get started