
“I have this condition like short term memory loss. I can’t remember things when I don’t picture it.”
Yan yung sinabi sa akin ni J.P noong una ko siyang nakilala. Nakilala ko siya noong college days at parehas kami ng course pero hindi kami classmate. Sa tuwing magkasabay kaming umuwi ay lagi yung nag picture sa akin at naming dalawa para daw maalala niya ako palagi at hindi makalimutan. Hindi niya pa sinabi ang sakit niya. Sa paglipas ng panahon ay marami kaming nabuong alaala pero hindi niya yun maalala. Kaya nandito ako para magpaalala sa kanya.
* * *
Nakita ko si J. P sa isang mall habang naglalakad siya. Siya lang mag-isa at may hawak siya na camera gaya ng DSLR camera. May event sa mall at parang maingay na nagkakantahan. Ang tunog ng guitara ay maririnig. Agad ko siyang namukhaan. Lumakad ako patungo sa kanyang kinaroroonan habang kumukuha ng mga larawan.
“Hoy! J. P!”
Itinigil niya saglit ang pagkuha ng mga larawan at lumingon sa akin.
“Sorry magkakilala ba tayo?” Tanong ni J. P
“Syempre hindi mo ako maalala pero may ipapakita akong larawan…”
Ipinakita ko sa kanya sa aking phone ang larawan naming dalawa na magkasama.
“Oo nga parang magkakilala nga tayo…” Sabi ni J. P
“Kumusta?” Tanong ko.
“Ito nagtatrabaho parang extra lang dito sa event…” Sabi ni J. P
“Ayos yan ah baka gusto mo ako isama dyan.” Sabi ko.
“Kung pwede lang…” Sabi ni J. P
Pagkatapos ng event sa mall ay niyaya niya ako na kumain sa isang restaurant. Noong college ay lagi siyang nanglilibre sa akin at hanggang ngayon nanglilibre pa rin. Maraming tao dito sa loob ng restaurant. Ang iba ay parang isang pamilya na kumakain sa isang lamesa at mukhang masaya sila. Hangang sa lumapit ang isang lalaki kay J. P parang siya ang padre de familia at sinabihan si J. P na baka pwede sila kuhaan ng litrato gamit ang kanyang camera. Kinuhaan sila ng larawan ni J. P at nagpasalamat naman ang buong pamilya. Bumalik siya sa lamesa na kinaroroonan ko.
“Siya nga pala… Ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ni J. P
“Katherine…” Sabi ko.
“Ah OK Katherine… Pasensya ka na meron kasi akong condition, hindi siya amnesia pero short term memory loss siya para bang hindi ko maaalala ang lahat ng nangyari pero kapag kumukuha ako ng larawan at tinignan ito ay doon ko lang makikita para maniwala ako na nangyari yun.” Sabi ni J. P
Sinabi na sa akin ito ni J. P noong college pero sinabi niya pa rin ngayon. Ang hirap ng ganong condition dahil hindi mo maalala ang nangyari at kailangan mo pa ng larawan para maniwala na nangyari yun.
“Sinabi mo na sa akin yan dati pa… Kilala kita J. P kung sino ka at ano ka. Lalapit ba ako sayo kung hindi kita kilala?” Sabi ko.
“Sabagay tsaka naniwala naman ako sayo lalo na may pinakita kang picture. Patingin nga ulit ako ng picture…” Sabi ni J. P
Binuksan ko ang aking phone at hinanap ang larawan. Noong nakita ko na ay binigay ko sa kanya ang aking phone. Payat pa siya noong college pero ngayon kitang-kita ko na tumataba na siya.
“Parang hindi naman ako to…” Sabi ni J. P
“Ha?” Nagtataka na sinabi ko.
“Joke lang ako nga to ha ha ha… ang payat ko pa kasi dyan.”
Pagkatapos naming kumain ay lumabas kami ng restaurant at naglakad-lakad sa SM MOA Sea Side. Marami kaming naging usapan tungkol sa kanya-kanyang experiences ng bawat isa. Sumakay kami sa mga iba’t-ibang rides. Kumain kami ng ice cream at binilhan niya ako ng teddy bear. Hindi ko nga inakala na magkikita kami dito at mangyari ang lahat ng ito. Ang alam ko lang ay wala akong pasok sa work sapagkat weekends kaya ako pumunta dito. Sa paglalakad namin ay nakita namin ang isang upuan na walang nakaupong tao. Kaya pumunta kami doon at umupo. Kinuhaan niya ako ng larawan sa aking kinauupuan.
“Alam kung pagkatapos nito ay hindi mo na naman ako maalala kasi nga hindi ka nakakagawa ng bagong memories…” Sabi ko.
“Pagkatapos nito ay maalala pa rin naman kita lalo na meron akong bagong larawan mo.” Sabi ni J. P
“Paano kung wala akong larawan? Kahit noong college pa… Sabihin nating nasa panahon tayo na walang Smartphone, DSLR Camera o yung mga lumang camera, maaalala mo kaya ako?” Tanong ko.
“Nakilala naman siguro kita noong panahong meron ng smartphones at camera. Kaya para sa akin, kaya merong pictures ay para manatili ang mga alaala.” Sabi ni J. P
* * *
Sa pagtingin-tingin ko ng mga larawan dito sa Facebook ay nakita ko itong page Mukhang ito yung page ni J. P. Ang pangalan ng page ay Jeff Photography. Binuksan ko ang page at ang mga larawan nito. Sa dami ng pictures, ang mga nakita ko ay halos yung mga pictures na nangyari sa event sa isang mall. Hanggang sa nakita ko ang picture ko na nasa isang upuan na nakaupo na nag-iisa.
COPYRIGHT ©️ 2023 ALL RIGHTS RESERVED

You must be logged in to post a comment.