
Sa pagsusulat ko, kumukuha ang ng inspirasyon sa pagsunod sa tao. Sa pagsunod hindi ibig sabihin sinusunod ko ang utos gaya ng empleyado kundi sinusundan ko ang kilos at galaw ng isang tao. Para ako ay makapagsulat, yun ang ginagawa ko. Binigyan ako ng Contract Agreement ng isang publisher at kailangan kung maibigay sa kanila ang manuscript ng full lenght novel bago nila ako bigyan ng royalties pagkatapos ng dalawang buwan. Sa pagsunod ko sa isang tao ay hindi ako nagpapahalata na sinusundan ko siya. Para bang nagiging isang stalker ako. Hindi lahat ng tao sinusundan ko sapagkat mahirap yun. Isa lang ang katawan ko at wala naman ako alam kung may nakakagawa ng ganun.
May sinusundan akong isang tao. Ang suot niya ay maayos. Naka-longsleeve polo, naka-suit and tie at may dala siyang briefcase. Naglalakad siya at hindi ko alam kung saan siya patungo. Ang akala ko noong una ay sasakay siya sa kanyang kotse. Tuloy-tuloy lang ang paglalakad niya na parang naglalakad siya ng walang patutunguhan. Dito sa kahabaan Bonifacio High Street ay may mga tao ding naglalakad-lakad. Kaya minsan hindi ko siya masundan ng maayos. Sa pagsunod ko talaga sa kanya ay hindi ko makita ang kanyang mukha at nakatalikod lang siya palagi pero ang lagi kung tinitignan ay ang hawak-hawak niyang briefcase. Para ba siyang si Anonymous Banker.
* * *
Pag-gising ko sa umaga ay minulat ko ang aking mga mata. Hindi pa ako makakakita ng maayos pero unti-unti ay nakikita ko ang sinag ng araw. Hinanap ko ang aking smartphone. Binuksan ko ito at ang data. Binuksan ko ang messenger app. Nakita ko ang mga messages ng mga co-workers ko sa trabaho. Nag-tatrabaho ako bilang agent sa BPO o (kung tawagin nila ay call- center). Sabi nila kapag Call-Center daw kailangan magaling sa english lalo kapag pilipino ang agent. Bumangon na ako at niligpit ko ang higaan. Nakatira ako dito sa apartment dito sa taguig city. Kinuha ko ang towel at pumasok na agad sa banyo. Pagkatapos kung maligo ay nagbihis ako. Ang karaniwan kung suot ay sapatos na old school vans, pantalon (hindi rip jeans) at oversized t-shirt lang talaga. Tumingin ako sa salamin. Mahaba na yung buhok ko at kulot pa ito ng kunti. Para tuloy akong miyembro ng isang rock band. Alas 9am pa pasok ko pero napakaaga ko naman maligo at nag-bihis. Sinadya ko talaga ito para may oras pa ako na buksan ang laptop ko. Pagkatingin ko sa email boxes ay may iilang messenges galing sa company na pinagtatrabahuhan ko at email ng isang publisher. Tinignan ko ang email ng isang publisher at binuksan.
TO: MARKDELACRUZ02@GMAIL. COM
FROM: DOUBLENIGHTPUBLISHER@GMAIL. COM
DEAR MR. MARK
GOOD DAY FOR YOU. WE ARE THE PUBLISHER THAT LOOKING FOR YOUR WORK. AS YOU SUBMITTED A SHORT STORY, WE ARE LOOKING FORWARD FOR YOU FULL LENGTH NOVEL. YOU MAY SUBMIT IT BEFORE DECEMBER SO THAT WE CAN GIVE YOU A CONTRACT. IF YOU CAN’T SUBMIT A FULL LENGTH NOVEL, PLEASE INFORM US.
SINCERELY YOURS,
Noong nabasa ko ito parang ganado ako mag-sulat. Binuksan ko ang Microsoft Word. Sa pagsusulat talaga ng novel, sa totoo lang ay napakahirap kasi gagamitin mo ang iyong imahinasyon para makabuo ng orihinal. Nakatunganga lang ako at nakatingin sa laptop sapagkat wala akong maisip na ideya. Mag alas 8am na kaya sinarado ko ang laptop. Bigla na lang pumasok sa isip ko… “Paano kaya kung kumuha ako ng inspirasyon sa ibang tao?”
* * *
Patuloy ang pagsunod ko dito sa isang lalaking naka-suit at tie na may hawak-hawak na briefcase na kung tawagin ko ay Anonymous Banker. Patuloy ang kanyang paglalakad at patuloy din ang pagsunod ko sa kanya ng hindi niya napapansin. Hapon na ito ng mangyari. Napadaan siya sa isang bookstore, sa may fullybooked at pumasok dito. Nasa labas lang ako ng bookstore habang pinagmamasdan ang kilos niya. Gusto kung makita ang mukha niya pero hindi ko makita. Kinausap siya ng isang babae at may isang lalaki na nag- picture sa kanya. Unti-unting lumalapit sa kanya ang mga tao at kumukuha ng picture sa kanya. Nagtaka ako bigla sapagkat mukhang sikat itong sinusundan ko. Lumapit ako patungo sa loob ng bookstore at unti-unti kung pinagmasdan at tinignang mabuti ang kanyang mukha. Nakita ko sa aking mga mata si Mark Dela Cruz na naka- suit and tie na hindi na mahaba ang buhok bagkus naka-gupit na ito ng maayos. Wala ng balbas at may dala pang briefcase na ang akala ko ay isang Anonymous Banker pero isa palang Bestselling Author.
COPYRIGHT ©️ 2023 ALL RIGHTS RESERVED

You must be logged in to post a comment.