Categories
Uncategorized

The Ghost of You

“May mga taong makikila mo in unexpected ways but disappear in strange ways.”

Pauwi na ako galing sa simbahan at habang ako ay naglalakad, patungo sa sakayan ay nakita ko itong isang babae na nasa malayo na nag-iisa. Binilisan ko ang aking paglakad. Siya din ay naglalakad pero hindi masyadong mabilis ang kanyang paglakad. Habang papalapit ng papalapit ako sa kanya ay naaabutan ko siya. Hanggang sa nasa tabi ko na siya. Lumingon ako sa kanya. Ang suot niya ay dress na para bang galing din siya sa simbahan.
“Hi… Galing kaba sa simbahan?”
“Hello…” ah oo. ” Sabi ng babae. Habang makikita sa kanyang mukha ang ekspresyon na nahihiya.
“Uuwi na kasi ako, pwede ba akong sumabay sayo?” Tanong ko.
“Teka, galing ka din ba sa simbahan?” Tanong ng babae.
“Oo galing din ako dun.. Kaya nga kita nilapitan kasi naka-dress ka.” Sabi ko.
“Siya nga pala, ano nga pala ang pangalan mo?” Tanong ng babae.
“Alex nga pala…” Sabi ko.
“Ako naman si Jarmine…” Sabi ni Jarmine.

Patuloy ang paglalakad naming dalawa habang nadadaanan namin ang iba’t-ibang tindahan sa kalye, mga sasakyan na papunta’t- parito at ang liwanag ng mga ilaw na sumasabay sa liwanag ng buwan. Patungo kami sa sakayan ng tricycle. Noong nakarating na kami dun ay naghintay kami.
“Taga- saan ka nga pala?” Tanong ni Jarmine.
“Taga Sur ako…” Sabi ko. “Ikaw?”
“Sa San Vicente ako…” Sabi ni Jarmine
“Magkakasabay pala tayong sasakay ngayon…” Sabi ko.
“Oo…” Sabi ni Jarmine.
“Pero una akong bababa he he he…”

Nakasakay na kami sa isang Tricycle at magkatabi kaming dalawa. Sa aming byahe ay medyo tahimik siya at hindi nagsasalita. Inisip ko naman sa pagkakataong ito na kunin ko ang facebook niya para makausap ko siya online. Habang iniisip ko ito ay papalapit na ako sa amin. Kinakabahan naman ako sa aking binabalak na gawin. Noong nakarating na ako sa amin sa sur ay huminto ang tricycle at nagbayad ako ng aking pamasahe.
“Jarmine may facebook ka ba?”
“Oo meron bakit?”
“Anong name mo sa facebook?”

Sa gabi na yun ay nalaman ko ang kanyang facebook. Tinignan ko ang kanyang mga larawan at post. Nag-message naman ako sa kanya at doon nag-usap kami tungkol sa simbahan namin at nagkakilala ng lubusan. Sa tuwing sisimba kami ay sabay na rin kami uuwi. Kumakain kami sa labas at masaya na nag-uusap at ang lahat ng yun ay nawala na parang bula.

Buwan ng December ng magkaroon ng baha sa buong syudad. Walang kuryente kaya hindi ko rin siya makontak at sa mga nakalipas na araw at buwan ay hindi ko rin siya nakakausap sa mga messages sa facebook.

COPYRIGHT ©️ 2023 ALL RIGHTS RESERVED

Design a site like this with WordPress.com
Get started