Categories
Uncategorized

Pag-ibig sa Unang Pagsusulat Kabanata 1

By Mark Tacastacas

Noong highschool, tinanong ako ng aking magulang kung ano ang gusto kung korso kapag nasa kolihiyo na ako, sabi ko naman ay"Gusto kung maging Writer."Pero tumutol sila dahil ang gusto nila para sa akin ay maging Engineer.Kaya naman dahil sila ang nagpa-aral sa akin ay sinunod ko kung ano ang kalooban nila sapagkat alam ko na kabutihan ang ibubunga sa akin. Naunawaan ko kasi na walang magulang na ang gusto ay mapahamakang kanilang anak.Pinag-aral ako ng aking magulang sa isang Pribadong Kolihiyo upang subukan ang korso sa pagiging Engineer, kahit hindi ko naman talaga ito gusto.Kaya nag-resulta ito ng katamaran sa aking pag-aaral.Kaya,hindi rin ako naka- pasa.Sobrang nanghinayang sa akin ang mga magulang ko at ako ay kanilang pinag-sabihan.Ang gusto kasi ng mga magulang ko ay sila ang ma-sunod.Sa kabila ng lahat ng iyon ay binigyan pa rin akong pagkakataon ng aking mga magulang,kahayagan lang ng pagmamahal nila sa akin bilang kanilang anak.Umaasa sila sa akin na muling makabawi upang subukan naman ang korsong pagiging seaman.Pinilit kung pagbutihin ang aking pag-aaral,kahit hindi ko gusto ang aking ginagawa.Kaya ito ay sobrang hirap para sa akin.Kapag natapos ang klase ko sa paaralan ay meron akong pinupuntahan na isang Bookstore para Tumingin ng libro.Hindi para pag-aralan ko ang aking korso kundi para mag-basang mga Nobela at iba pang-storya na nakaka-mangha.Halos araw-araw pagkatapos ng klase ko ay lagi akong nandito at dahil lagi akong nagba-basa,halos limang libro ang natatapos ko sa isang taon nabasahin. Ngayon,sa dinami-daming libro na aking nabasa ay kahit kailan hindi ko makakalimutan ang isang tao na nakilala ko at  naging matalik ko na kaibigan sapagkat para siyang isang Bukas na aklat dahil sa Storya ng kanyang buhay na ibinahagi niya sa akin.Siya ang naging idolo ko para maging isang Writer.Kaya ito ay aking na-isulat sapagkat kahit hindi na siya makapag-sulat ay nandito pa rin ako para ma-siwalat ang kanyang kwento.Si Marc,siya ang dahilan kung bakit na-sulat ko ito at magsi-silbing alaala ito para sa kanya. Bago ko na-sulat ito ay noong nag-aaral ako sa korso ng pagiging seaman sa Pribadong Kolihiyo aynmeron akong naging ka-klase na sikat sa buong campus.Halos karamihan sa mga babae ay doon ay laging kinikilig sa kanya sa tuwing siya ay nakikita nila.Lagi akong sumasama kay Manuel Salvador dahil sabi nga nila,kapag meron kang  kaibigan na sikat ay iba ang iyong pakiramdam sa iyong sarili na kung saan,magka-karoon ka ng lakas para mangusap sa mga babae.Hanggang sa naging magka-klase kami at liban sa pagiging ka -klase ay lumalabas at gumagala kami kasama ang buong tropa sakay sa kanyang kotse na Ford Explorer.Pumupunta kami kung saan mapag-tripan at umuuwi kami sa magarang bahay ng mga magulang ni Manuel.Ako ay namangha sa bahay at kay ganda tignan ng mga bulaklak sa paligid.Kaya dahil lagi akong pinapapunta ni Manuel dito pagkatapos ng klase ay naging matalik na mag-kaibigan rin kami.  Isang araw,habang ako'y papunta ng Paaralan para  pumasok sa aking klase ay nakita ko si Manuel sa paradahan ng kotse.Pababa na siya sa kanyang mina-manehong sasakyan.  

"Manuel!"Sabi ko.

Sapag-tawag ko sa kanya ay nakita niya ako,sabay lumapit ako sa kanyang Kinaroroonan.

"Uy pare,kumusta? Papasok ka na ba?" Tanong ni Manuel.

"Oo eh,Tara sabay na tayo..."Sabi ko.

"Mamaya na ako pare,kasi meron pa akong pupuntahan sa administration office,meron daw bagong transfer na magandang babae,kikilalanin ko lang."Sabi ni Manuel.

"Sige Manuel,balitaan mo nalang ako,aasahan ko yan na makukuha mo yung babae." Sabi ko.

"Sige pare."Sabi ni Manuel.

Pumasok ako sa aking kinabibilangang classroom.Pag- pasok ko palang ay nakatingin na sa akin ang professor na nakaupo sa kanyang Table.Siya ay merong ekspresyon sa akin na ang kanyang kila'y ay tumataas.Hindi na ako nag- salita at agad akong umupo sa aking upuan. Natapos ang klase ng alas dose-bente ng tanghaling tapat,ngunit ako'y nabigla at nag-taka sapagkat hindi pumasok sa klase si Manuel.Kaya naman hinanap ko ito sa buong campus.Una,Pinuntahan ko ito sa administration office dahil naalala ko yung sinabi niya sa akin kanina na meron siyang pupuntahan doon na babae.Pag-punta ko doon ay wala siya.Nagtanong-tanong ako sa kapwa ko estudyante ngunit sabi nila "Hindi daw nila alam."Ang ginawa ko ay pumunta nalang sa Canteen para kumain ng tanghalian dahil meron pa akong pasok ng Ala-una midya. Habang kasabay ko ang mga kapwa ko estudyante ay tinitignan ko ang paligid dahil baka makita ko si Manuel.Sa pagmamasid ko ay hindi ko pa rin siya nakita.Hanggang sa Pagka-dating ko sa canteen ay nakita ko ang isang babae na maganda at ako'y namangha.Noong una kung makita ito ay inakala ko na mag-isa lang siya.Ang ibang mga estudyante ay nakatingin lang sa kanya na merong pang-balak lapitan. Gusto kung unahan sila pero wala akong lakas ng loob na kausapin ito dahil sobrang mahiyain akong tao.Merong isang lalaki na biglang lumapit sa kanya.Agad ko itong namukhaan sapagkat ito ay si Manuel na merong dalang pagkain para sa kanilang dalawa.Masaya sila na nag-uusap sa isa't-isa habang kumakain.Kaya agad kung tinawag si
Manuel.

"Manuel!"Sabi ko.

Narinig ni Manuel ang boses ko at tumingin siya sa akin, pati ang kasama niyang babae naka-sabay kumain ng tangahalian.

"Pare,punta ka dito!"Sabi ni Manuel.

Pumunta ako sa lamesa nila at ako'y kinakabahan ndahil
naka-ngiti na nakatingin sa akin ang babae nakasama ni
Manuel.

"Siya nga pala,si Gerald Francisco,classmate ko."Sabi
ni Manuel.Habang pinakilala ako nito.

"Hi..."Sabi ng Babae.Sabay siya ay ngumiti.

"At pare,ito nga pala si Kristina,bagong Schoolmate
natin dito sa school."Sabi ni Manuel.


"Hello..." Nahihiya na sinabi ko.

Noong bumati sa akin si Kristina ay hindi maiiwasan na
maramdaman ko sa aking sarili ang kasiyahan sapagkat
binati ako ng isang maganda na kagaya niya.Bumili ako ng aking pagkain,habang silang dalawa ay masaya na nag
uusap pa rin.Pagkatapos ay Lumakad ako patungo sa
kinaroroonan nilang lamesa.Pagka-dating ko,tsaka ako dito umupo.

"Pare,anong masasabi mo kay Kristina?" Tanong ni
Manuel.

"Ha? Wala akong masasabi...este wala akong
sasabihin." Nataranta na sinabi ko.

"Iba ka talaga pare...ako Kristina merong itatanong
sayo..." Sabi ni Manuel.

"Ano naman yun?"Sabi ni Kristina.

"Bakit pala nag-transfer ka dito sa Maynila?" Tanong ni Manuel.

"Kasi kailangan kung ma-abot yung Degree sa pagiging
accountancy ko.Kaya kailangan kung makapasa."Sabi ni
Kristina.

"Ah ganun ba...basta Kristina kapag meron kang kailangan,nandito lang ako agad kitang tutulungan."Sabi ni Manuel.

"Salamat Manuel."Sabi ni Kristina.

Pagkatapos naming kumain ng tanghalian ay hinatid
muna namin ni Manuel si Kristina sa kanyang Classroom at panay pa rin pag-uusap ng dalawa.Noong natapos na sila sa pag-uusap at nahatid na namin si Kristina sa kanyang Classroom ay Nag-paalam kami dito.Nag-lakad na kami ni Manuel papunta sa aming classroom para pumasok sa aming klase.

"Pare,ang ganda ni Kristina."Sabi ni Manuel.

"Oo nga eh,ang dami kayang tumitingin sa kanya dito sa
school,halos yung iba makikita mo sa kanila na merong
balak lapitan yun."Sabi ko.

"Wag ka uunahan ko na sila..."Sabi ni Manuel.

"Eh na-unahan mo na nga sila kanina nalapitan doon sa
canteen."Sabi ko.

"Ang ibig kung sabihin na-uunahan ko na sila ay agad ko ng liligawan si Kristina para maging akin siya."Sabi ni Manuel.

Pagka-pasok namin ni Manuel sa Classroom ay umupo
kaagad ako sa upuan.Sa pagkakataong nito,hindi maiiwasan ang maramdaman ang silos dahil nagkaroon na kaagad ako ng pag-hanga kay Kristina,noong una ko pa lamang nitong makita pero merong magtatangkang ligawan ito na kung saan,kaibigan ko pa.Nakausap ito ni Manuel sa hindi ko inaasahan at siya pala yung babae na pupuntahan niya.Isa pa,kung sabagay mabi-bigay niya ang lahat ng bagay kay Kristina sapagkat siya ay mayaman.Kaya naman,kung kailan meron akong nagustuhan na babaentsaka naman nagustuhan ng Kaibigan ko na si Manuel. Natapos ang klase ko sa paaralan ay sinabihan ako ni Manuel kung anong oras daw ako uuwi dahil ang gusto niya ay Yayain si Kristina na sabay namin ito Pauwi at ihatid sa tinitirhan nitong bahay.Ngunit ako'y nag-dahilan sapagkat ayaw ko muna talaga sumama kay Manuel.Ang sinabi ko na lang dito ay"Meron pa akong pupuntahan At marami pa akong gagawin.Kaya mauna na ako sayo."Kaya hindi ako sumama kay Manuel sa pag-uwi,kahit na lagi kami nitong kasama.Sa ganitong pagkakataon lang na hindi kami sabay uuwi.

Pauwi na ako patungo sa tinitirhan kung bahay,Habang
ako'y naglalakad ay kasabay ko ang mga tao galing sa kanya- kanya nilang trabaho.Nadaanan ko ang isang bookstore na puno ng maraming libro.Pumasok ako sa loob at tumingin tingin dito.Ang nakita ko ay ang mga"classic stories and novels"gaya ng "The Metamorphosis and Other Stories" ni Franz Kafka,"A Tale of Two Cities"ni Charles Dickens at"The
Great Gatsby"ni F.Scott Fitzgerald. Kinuha ko ang tatlong Nobela na ito.Ang una kung binasa ay ang"A Tale of Two Cities ni Charles Dickens.Halos isang oras din ako na nasa loob ng Bookstore dahil binasa ko ito hanggang sa matapos ko ang Chapter1.Hindi ko namalayan ang oras dahil sa aking pagbabasa.Pag-tingin ko sa bintana nitong bookstore, lumalalim na ang gabi.Kaya naman agad kung binalik itong Nobela na kinuha ko.Pagkatapos,nagmadali na ako sa
paglakad para umuwi.

Kinabukasan ay Maaga akong na-gising para pumasok
at agad akong nag-ayos.Nakatira ako sa isang maliit na
apartment dito sa Maynila.Ang kwarto ko ay sobrang gulo. Hindi ko na ito inayos sapagkat papasok na ako sa paaralan. Kaya,mabilis ako nag-lakad.Muli kung Nadaanan ang bookstore na dati pa ay napuntahan ko na,Tinignan ko ito at nag-dalawang isip,kung papasok ba ako dito o papasok ako sa paaralan? Pumasok ako sa bookstore.Ganun pa rin ang nakita ko,gaya ng nakita ko na dati na mga"Classic Novels" at wala akong nakita na bagong nobela.Sa pagkakataong ito, bigla akong nilapitan ng isang lalaki,habang binubuklat ko
ang libro na aking babasahin.

"Sir estudyante po ba kayo?"Tanong ng lalaki na ito pala ang security guard.

"Opo,bakitpo?"Tanong ko.

"Ngayong oras po sir bawal po ang mga estudyante dito
dahil meron pang-klase ang mga estudyante."Sabi ng
Security Guard.

"Ah ganun po ba...Pasensya na po hindi ko alam."Sabi
ko.

Lumabas ako ng bookstore at Tinignan ko ang oras sa
aking relo: 7:50am

Ang pasok ko ay 8:00am at mag-lalakad pa ako ng
ilang milya para maka-abot sa paaralan.Kaya,kapag mag-
lakad lang ako ng dahan-dahan ay siguradong hindi ako
aabot sa paaralan,pero kapag tinakbo ko ito ng mabilis ay hindi ako mahu-huli masyado.Kaya,binilisan ko ang aking takbo at wala na akong pake kung meron akong ma-bangga na tao.Sa sobrang bilis ng takbo ko ay nabangga ko ang isang lalaki na bmerong dalang maraming papel.Kaming dalawa ay natumba.Ang mga papel ay nag-kalat at ito ay lumilipad kung saan-saan.Nakita ko ang isang papel na ang nakasulat doon ay"This Book is Dedicated to the Girl I've Lost."Agad akong Tumayo,habang yung lalaki ay pinupulot ang kanyang mga papel na hawak-hawak bago ko siya nabangga.Nag-taka ako sa pagkat hindi man lang niya ako pinagalitan o sinabihan man lang.Hindi Ko siya nma-mukhaan sapagkat siya ay nakatalikod.Kaya,hinayaan ko nalang siya
at ako ay patuloy sa paglalakad ng dahan-dahan habang
hindi niya ako namamalayan.Nag patuloy ako sa aking
paglalakad,kahit na huli ako sa aking klase.

Copyright © 2022 Mark Tacastacas All Rights Reserved

Design a site like this with WordPress.com
Get started