Categories
Uncategorized

SPADE OF LIGHT

CHAPTER 1

        Light years, It's almost 1000 Light years away from her. Una ko siyang nakilala sa School, Senior High pa lang ako noon. Unang araw pa lang sa school medyo nahihiya pa ako. Walang kakilala, walang makakasabay mag- recess o uwian. Ako lang talaga mag-isa. Di bale, sanay naman ako. Yan yung linyahan na madalas makikita ko sa Social Media. Nawa ngayon masanay ako ng wala siya kahit hindi madali pero gagawin kung simple ang aking sulat na ito kahit alam kung hindi ito simple. 
       Nagsimula ang aking hilig sa pagbabasa ng nobela ay dahil din sa kanya. Binigyan niya ako ng kopya ng nobelang may pamagat na "Love at First Write" na isinulat ni Gerald Francisco. Nagbigay sa akin ng Inspirasyon ang aklat na yun para maglakas loob ako na makapagsulat ngayon.
       Nasa eskwelahan na ako, bumaba ako sa aking sinasakyang Bus. Nakita ko itong eskwelahan na aking papasukan. Malawak at nakita ko ang maraming estudyante na papasok din dito. Sumabay ako sa mga estudyante. Habang ako ay naglalakad, narinig ko ang ingay na nagmula sa stage ng eskwelahan. Noong nakita ko na ng malawakan ang buong stage ay doon ko lang napansin na kasalukuyan pa lang nagsasagawa ng "Flag Ceremony." Sa pagkakataong ito, ako'y nataranta sapagkat hindi ko alam kung saan ako tutungo. Umaga ito at lunes na lunes pa, kaya sobrang init din. Ang sikat ng araw ay makikita sa bawat classroom na lumiliwanag. 
       Hindi ako nag "Flag Ceremony." Tumambay lang ako sa gilid o sulok na malayo sa sinag ng araw habang ang maraming estudyante ay nagtitiis sa sinag ng araw, para bang nakaharap ang mga estudyante sa watawat ng pilipinas na ang nasa watawat ng pilipinas ay araw at bituin. Habang ako na nasa dilim nakatayo ng nagmamasid na nag-iisa.
       Pagkatapos ng Flag Ceremony, hinanap ko pa kung saan ang room ng aking papasukan. Nasa Room 401. Sa aking paghahanap, maraming estudyante akong nakasabay, Halos silang lahat ay nag-iingay habang naglalakad, para isang grupo sila na magbabarkada. Medyo hindi ko kabisado itong eskwelahan, kaya nagtanong ako. Nakita ko ang isang guro, siya lang mag-isa. Kaya nag-lakas loob akong lumapit.
       "Maam, pwede mag-tanong?" 
       "Ano yun anak?" Sabi ng guro.
       "Tanong ko lang po sana kung saan po dito yung Room 401?"
       "Anak, nasa kabilang building yun, doon sa may 4th Floor." Sabi ng guro. Habang tinuturo niya ang building.
       "Ah sige po maam, salamat po."
       Lumakad ako papunta sa building na itinuro sa akin ni maam. Umakyat ako papuntang 4th Floor. Sa aking pag-hakbang sa hagdan, Hindi ko inakala na sobrang taas pala nito para bang umakyat ako na may dalang mabibigat na gamit. Pagkadating ko sa 4th Floor, naligo ako sa pawis. Habang pinupunasan ko ang aking pawis ay nakita ko sa taas ng pintuan na nakalagay ay "Room 401." Naisip ko sa pagkakataong ito, papasok ako sa room na ito ng 203 days na para bang ako'y maglalakbay sa kalawakan sakay ang "Space Shuttle Bon Voyage 401."


    

Copyright @ 2023

All Rights Reserved

Design a site like this with WordPress.com
Get started