Categories
Uncategorized

Boundaries

“SETTING BOUNDARIES because that’s how I show my respect, EVEN IF I don’t talk doesn’t mean I don’t like the person, it means that it’s better to show or act than to talk.”

Yan yung laging iniisip ni Jay sa tuwing may lalapit sa kanya na babae. Yung tipo na parang hindi na halos mag salita kapag nandyan na ang babae. Nahihiya siya at walang lakas ng loob. May mga ibang tao na halos hindi mauubusan ng salita kapag binubuka na nito ang kanyang bibig. May mga taong masarap kasama dahil sa pananalita at sa pagkukwento ng mga karanasan sa isa’t-isa. Ganun naman siguro ang komunikasyon at kung walang komunikasyon ay walang pagkakaunawaan. May iba naman sa halos hindi na pagsasalita ay baka isipin ay may tinatago na galit. Mas maganda naman siguro kung sa pagsasalita ay katotohanan ang manaig. Mapapatunayan naman siguro ang lahat sa pamamagitan ng gawa hindi sa pagsasalita.

Wala pang halos naging girlfriend si Jay. Marami siyang kaibigan na lalaki at babae pero yung seryoso na relasyon talaga ay wala. Iniisip niya palagi na dagdag problema lang ang pagkakaroon ng relasyon. Masasaktan lang ang damdamin ng bawat isa at mas mabuti pang maging tropa dahil nagagawa nitong makasalamuha ng walang feelings na involved. Yung tipo na puro tawa at kwentuhan lang. Para sa kanya pa ay iniiwasan niya ang drama at romance. Sa sitwasyong ito ay para bang bad boy type si Jay pero sa totoo lang ay napaka-low key niyang tao. Mahiyain siya at ang kahinaan ay babae.

May isang babae na halos gusto niyang maging tropa pero alam niyang girlfriend ito ng isa niyang tropa na lalaki. Nagkita sila nito noong birthday ni Patrick, pangalan ng tropa ni Jay.
“Men! Si Maryel nga pala girlfriend ko…” Sabi ni Patrick.

Kababata ni Jay si Patrick na halos magkapatid na ang turing nito sa isa’t-isa. Mayaman ito dahil ang mga magulang niya ay negosyante. Sa tuwing maglalaro sila ng basketball ay laging sumama si Maryel. Nanonood ito sa laro at habang hindi pa naglalaro si Jay o hindi ipinapasok sa laro ay lagi niyang tinitignan si Maryel. Pagkatapos nilang maglaro ay umupo sila sa bench at nagpahinga. Pawis na pawis si Jay habang umiinom ng tubig. Hanggang sa pinagmasdan naman ni Jay si Patrick na pinupunasan ang pawis nito ng kanyang girlfriend na si Maryel habang hawak-hawak nito ang towel.

*
Pasukan na sa eskwela at 1st year college na siya o freshmen. Nakahanda na ang uniforme ni Jay at bag. Umalis siya ng bahay. Lumakad siya sa highway at naghintay ng Jeep na masasakyan. Sa kanyang pag-byahe ay nakasabay niya ang mga taong papunta sa kanilang trabaho. Ang Impresyon niya dito ay mukhang ganito rin siya sa hinaharap. Yun ang impresyon niya lang pero sa totoo lang ay hindi niya alam kung ano ang mangyayari sa hinaharap.

Pagkadating niya sa Eskwelahan ay agad na bumaba siya ng Jeep. Nahanap niya ang kanyang room at section. Pagpasok ni Jay sa room ay nakita niya ang isang babae. Hindi niya inaasahan na si Maryel ito. Nakita niya ang girlfriend ng kababata niyang tropa na si Patrick. Sa isang unibersidad at sa isang room ay hindi niya inaasahan na magkikita ni Jay si Maryel. Lumapit si Maryel sa kinaroroonan ni Jay.
“Hi.. Diba ikaw yung tropa ni Patrick?” Sabi ni Maryel.
“Oo, ikaw yung girlfriend ni patrick diba?” Sabi ni Jay.
“Oo, classmate pala tayo…”
“Alam ko naman na lalo na sa GC nakita ko kasi pangalan mo pero hindi lang ako masyado maingay dun.”
“Ngayon ko lang talaga alam na classmate pala tayo.”

Wala silang klase ng hapon. Habang nakikipag-usap si Jay sa kanyang mga classmate niyang lalaki ay bigla namang lumapit si Maryel.
“Jay uuwi ka na ba?”
“Oo, bakit?”
“Pwede ba akong sumabay sayo?”
“Pwede naman…”
Sabay na umuwi si Jay at Maryel. Habang sila ay naglalakad ay hindi sila nag-uusap. Pinagmamasdan lang nila ang kanilang nilalakaran.

*
“Men kumusta klase mo sa school?” Tanong ni Patrick.
“Ok lang men classmate kami ng girlfriend mo.” Sabi ni Jay.
“Yun din sabi sa akin ni Maryel”
Naging mag-kaibigan si Jay at Maryel dahil na din siguro sa classmate sila at laging nagkikita sa eskwelahan. Lagi din silang sabay na uuwi. Sabay sila sa pagsakay sa jeep at kung minsan pa ay kumakain sa mga street foods kapag ito’y kanilang nadadaanan. Ito yung pagkakataon na parang may nararamdaman na si Jay para kay Maryel. Pagkauwi mismo nila ay nag message pa si Jay kay Maryel at halos kinausap niya ito na para bang hindi na niya inisip na palagi naman silang magkikita. Ang gusto talaga ni Jay ay makausap si Maryel.

*
Buwan ng Disyembre ay bakasyon. Nagkita-kita ang barkada dahil birthday ng isa nilang barkada kasama sila Patrick, Maryel at Jay. Nasa bahay sila ni Patrick. Nagkita si Jay at Maryel pero hindi sila nag-uusap. Hinahawakan naman ni Patrick ang kamay ni Maryel na para bang may gusto siyang iparating na sa kanya lang siya. Nakatingin naman si Jay sa kanila na para bang alam niya na kung saan ang lugar niya.

COPYRIGHT ©️ 2023 ALL RIGHTS RESERVED

Mark Tacastacas's avatar

By Mark Tacastacas

He is a writer who writes fiction, short stories, and essays to inspire people to read and listen to stories that inspire them so that together, we create our shared stories to inspire other people. He lived in the Philippines.

Design a site like this with WordPress.com
Get started