Categories
Uncategorized

Insomnia

Hindi makatulog si Hawkeye dahil nasa lugar siya na walang gabi. Hindi siya nasanay na kapag nakita niya ang araw o kahit anong liwanag na kanyang makita ay hirap niyang maipikit ang kanyang mga mata. Isa siyang detective at ang na-assign sa kanya na kaso ay ang 17 years old na batang babae na hindi malaman kung ano ang sanhi ng pagkamatay nito. Pinuntahan kaagad ni Detective Hawkeye ang katawan ng 17 years old na batang babae. Nakita niya ang iba’t-ibang pasa sa katawan. Halos karamihan nito ay nasa mukha. Sinabi ng doktor na walang anumang makita na trace ng rape at ang posibleng sanhi ng pagkamatay nito ay pangbubugbog.
“Kung pangbubugbog ang sanhi nito, dapat ko munang makilala kung sino itong 17 years old na batang babae hindi sa pangalan kundi siya ba ay famous or loner.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“May mga iilan siyang kaibigan sa eskwela.” Sabi ng isang Local Police.
“May boyfriend ba siya?” Tanong ni Detective Hawkeye.
“Meron siyang boyfriend.” Sabi ng Police.
“Gusto kung makausap ang boyfriend niya.” Sabi ni Hawkeye.
“Bago ko makausap ang boyfriend ay gusto ko munang pumunta sa bahay ng biktima.” Sabi ni Detective Hawkeye.

Pumunta si Detective Hawkeye kasama ang mga iilang Local Police sa lugar o bahay ng biktima. Pagkadating nila sa lugar ay nakita nila ang isang matandang babae. Nilapitan naman kaagad nila ito.
“Magandang umaga po.” Sabi ni Detective Hawkeye.
Tumingin lang ang matandang babae at wala itong sinabi na kahit ano.
“Detective gabi na po ngayon pero maaraw.” Sabi ng isang Police.
“Ay pasensya na… Magandang gabi po.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Maganda gabi rin.” Sabi ng matandang babae.
“Kayo po ba yung nanay ng biktima.” Tanong ni Detective Hawkeye.
“Opo ako po…”
“Nandito po ako kasama ang iilang police para magsagawa ng special investigation tungkol po sa nangyari sa anak niyo.”

Pumasok si Detective Hawkeye sa kwarto ng 17 years old na batang babae. Nakita niya ang mga gamit na magulo at ang mga damit pang-sayaw ay nakakalat. Ngunit ang kapansin-pansin sa lahat ay ang litrato na punit na parang ginunting. Kinuha ito ni Detective Hawkeye at tinignan. Hinanap niya ang kapiraso na kadugtong na punit sa litrato nito. Tinignan niya ito sa basurahan at nakita niya dito. Pinagdungtong niya ito na parang isang puzzle para malinaw na makita kung sino-sino ang mga tao na nasa litrato.
“Sino ito?” Tanong ni Detective Hawkeye
“Jason Warner. Yan yung boyfriend niya.” Sabi ng Police.
“Classmate sila o parehas sila ng eskwelahan na pinag-aaralan?” Tanong ni Detective Hawkeye.
“Parehas sila ng eskwelahan na pinag-aaralan.” Sabi ng Police.

Nakita ni Detective Hawkeye sa litrato na merong isang tao na nasa likuran ni jason warner at ang 17 year old na batang babae. Sa litrato, putol ang ulo nito at nakahawak sa balikat ni jason at ang 17 year old na batang babae. Hindi na nagtanong si Detective Hawkeye. Lumabas sila sa bahay at pumunta sa police station. Hinatid naman si Detective Hawkeye sa hotel na tutuluyan nito ng isang babaeng police.
“Detective Hawkeye, isang karangalan po na makasama kayo sa imbestigasyon na to.” Sabi ng babaeng police.
“Anong karaniwang natatanggap niyong report dito? Hindi ko akalain na wala palang gabi dito.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Mostly po, kunti lang po ang mga tao dito, halos ang population ay nasa 301 lang pero ang natatanggap naming report dito ay drink- related problems at bar fights.” Sabi ng babaeng police.
“Ganun ba…” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Napaka-boring nga po dito… Boring pa yung lugar, boring din yung mga reports na natatanggap namin parang maliit lang na bagay.” Sabi ng babaeng police.
“Alam mo, hindi mo dapat binabalewala ang maliit na bagay kasi ay yan yung mahirap makita pero dyan mo din makikita ang mga bagay patungo sa pagkaunawa sa imbestigasyon kasi karamihan sa mga krimen ay nagsisimula sa maliit na bagay.” Sabi ni Detective Hawkeye.

Pagkadating ni Detective Hawkeye sa hotel ay agad na pumasok siya dito. Halos napakatahimik na lugar ang napansin niya. Kunti lang ang mga tao. Lumakad siya patungo sa front desk ng hotel.
“Magandang umaga.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Gabi na po ngayon.” Sabi ng babae.
Tinignan ni Detective Hawkeye ang kanyang relo. Nakita niya dito na alas 10pm.
“Pasensya na.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Bago lang po kayo dito?” Tanong ng babae.
“Yes, isa akong police at kasalukuyan kung tinatrabaho ang kaso dito sa lugar na walang gabi.” Sabi ni Detective Hawkeye.

Nakahiga si Detective Hawkeye sa kama ng kanyang kwarto na kahit gabi ay sumisikat pa din ang araw. Kaya hindi siya makatulog.

Sinundo siya ng babaeng police habang naghihintay ito sa labas at nakaparada ang kotse nito. Lumabas si Detective Hawkeye ng hotel at nakita niya ang kotse ng Police.
“Goodmorning…” Sabi ng babaeng police.
“Morning…” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Nakatulog ba kayo ng maayos Detective?” Tanong ng babaeng police.
“Hindi nga eh.” Sabi ni Detective Hawkeye.

Bumayahe na sila patungo sa police station. Ang araw ay patuloy sa kanyang pagsinag.
“Kadalasan nagaganap ang krimen sa gabi, lalo na sa mga malalaking syudad.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Bakit po sa gabi kadalasan nagaganap ang krimen?” Tanong ng babaeng police.
“Naka-depende pa rin ang lahat sa kung bakit nagawa ang krimen at yun ang trabaho natin na hanapin ang sagot.” Sabi ni Detective Hawkeye.

Pagpasok ni Detective Hawkeye sa Police Station ay nakita niya ang kanyang mga kapwa police na merong pinag-uusapan.
“Detective Hawkeye!” Sabi ng matabang lalaki na police.
“Chief Falcon… Long time, no see.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Kay tagal din nating hindi nagkita ha.” Sabi ni Chief Falcon.
“Oo, mga ilang taon na kaya? Siguro mga pitong taon din.” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Kumusta ang imbestigasyon?”
“Ito patuloy pa rin…”
“Inaasahan ko na mareresolba ito.”

Tumungo si Detective Hawkeye sa paaralan kung saan nag-aaral si jason warner, kasama ang ilang police. Pagkadating nila sa paaralan ay nagpakilala agad sila na police at kinausap ang principal at mga guro.

Pinuntahan ni Detective Hawkeye ang room ni Jason at nakita niya ito dito. Nakita naman ng mga ka-klase niya si Detective Hawkeye at kita sa kanilang mga mata ang pagkabahala. Nilapitan naman ng guro si jason at kinausap.

Sa isang room na ang nandon lang ay si Detective Hawkeye at Jason Warner ay tinignang mabuti ni Detective Hawkeye si Jason.
“Jason ano ang relasyon mo sa kanya?”
“Boyfriend niya ako at mahal niya ako.”
“Sinaktan mo ba siya.” Tanong ni Detective Hawkeye.
“Kahit kailan hindi ko siya sinaktan.” Sabi ni Jason Warner.
“Jason nakita ko ang mga pasa…”
“Mas ako nga yung nasasaktan sa nangyari sa kanya.” Sabi ni Jason.
“Bakit?” Tanong ni Detective Hawkeye.
“Kasi hindi ko alam kung bakit makikipaghiwalay siya sa akin. Ang alam ko lang lilipat na siya ng tirahan.” Sabi ni Jason.
“Kaya sinaktan mo siya…” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Hindi ko siya sinaktan, mas ako yung nasasaktan.” Sabi ni Jason. Habang makikita sa kanyang mga mata ang kunting luha.

Lumabas si Detective Hawkeye sa room. Nakasalubong niya naman ang babaeng police.
“Sa tingin mo Detective siya ang may gawa?”
“Hindi siya…”
Bumalik si Detective Hawkeye at ang mga police sa station. Dahil kulang sa tulog si Hawkeye ay napansin naman ito ng babaeng police.
“Detective mukhang kulang kayo sa tulog, pwede po muna kayong magpahinga.”

Bumalik si Detective Hawkeye sa hotel. Pumasok siya sa kanyang kwarto at humiga. Unti-unti niyang pinipikit ang kanyang mga mata. Hanggang sa tumunog na lang bigla ang telepono. Sinagot niya naman agad ito.
“Hello?”
“Detective kumusta?” hindi ka ba makatulog? ” Sabi ng boses sa telepono.
“Sino to?”
“Hindi na importante Detective kung sino ako, ang masasabi ko lang ay pagsasanay ito para sayo…”
“Anong pagsasanay ang pinagsasabi mo?”
“Makakatulog ka lang Detective kapag patay ka na.”

Hanggang sa pinutol ang tawag nito.

Bumangon si Hawkeye at kita niya pa rin ang sinag ng araw.

Tumunog ulit ang telepono at agad niya itong sinagot.
“Hindi ako nakikipaglaro sayo…” Sabi ni Detective Hawkeye.
“Kung gusto mo mag meet- up tayo dito sa bahay ko, dito sa 1096 Blindland.”

Agad na lumabas ng hotel si Hawkeye.
Nagtungo sa address na binigay si Detective Hawkeye. Hinanap niya pa ito sapagkat hindi niya pa kabisado ang lugar. Sa kanyang mabilis na paglalakad at patingin-tingin sa bawat lugar at bahay ay hindi maiiwasan na parang may nakikita siyang ibang tao na kulay itim sa kanyang likuran, sa gilid, sa may puno na parang nag- hallucinate na siya at iba-iba na ang kanyang nakikita. Nalilito na siya at biglang sumakit ang kanyang ulo. Ipinikit niya saglit ang kanyang mga mata at muli niya itong minulat. Hanggang sa nakita niya ang nakasukat sa isang pader. “1096 Blindland” Agad na tumungo siya dito. Kinuha ang kanyang baril at ikinasa. Nasa harapan na siya ng pintuan. Tinutok niya ang kanyang baril. Bigla namang bumukas ang pintuan. Pumutok ang baril. Nagulat si Detective Hawkeye na ang kanyang nabaril ay si Chief Falcon.
“Chief…” Sabi ni Hawkeye.
“Hawkeye… Gusto mo akong patayin…” Sabi ni Falcon.
“Hindi Falcon…”
“Umalis ka, hayop ka!” Sabi ni Falcon.
Bumunot ng baril si Falcon. Binaril niya si Hawkeye. Unti-unting natutumba si Hawkeye at hinawakan niya ang tama ng bala sa kanyang katawan. Nakita niya sa kanyang kamay ang dugo. Humiga si Hawkeye at unti-unti niyang pinipikit ang kanyang mga mata.

Design a site like this with WordPress.com
Get started