Categories
Uncategorized

Before I Let You Go

I don’t know why but I’m trying to be friendly to him. I work as an IT sa isang Technology Company but before ako naging IT, way back in those High School days ay meron akong classmate. Nakapaka-interesado niyang tao sapagkat tahimik lang siya at low-key pero noong tinignan ko facebook niya ay isa pala siyang Writer. Nakita ko ang facebook page niya na may mga sinusulat siyang novels sa kanyang website. Nakita ko rin ang covers ng kanyang novels na parang isang abstract painting.

Noong kinausap ko siya sa message ay ganito ang naging usapan namin…
“Hi Writer ka pala… Nananahimik ka lang.” Sabi ko.
“Sorry…” Sabi ni Johnford.
“Hindi kami makabasa kasi nasa Amazon…” Sabi ko.
Hindi ko inakala na nag-sent siya ng pictures ng physical book. Ang cover nito ay kagaya din ng nakita ko sa website niya.
“No need to sorry hahaha…” Sabi ko.
“If hindi siya mabasa… Bibigyan ko na lang kayo ng free ebook.” Sabi ni Johnford.
“Hindi kuya, babasa lang sana kami ni Joshua.” Sabi ko.
“Wait hanapin ko lang yung file sa ebook.” Sabi ni Johnford.
“Ok take your time kuya.” Sabi ko.
“Kuya gumagawa ka rin ng kanta?” Dagdag na sinabi ko.
“Sa kanta ako kumukuha ng inspirasyon para magsulat ng novels.” Sabi ni Johnford.
Nag sent ng file ang classmate ko na writer sa email ko at email ni Joshua na classmate ko din noong high school. Lagi kung nakakausap si Joshua at masaya naman ako kapag kausap ko siya. Halos lahat naman ng classmate ko noon sa classroom ay kinakausap ko. Ang hindi ko lang talaga maintindihan ay ang classmate ko na writer. Sa tuwing lalapit at kakausapin ko siya ay dedma lang siya. Kahit hindi niya sabihin na writer siya at ipaalam sa buong classroom pero alam ko lalo na nakikita ko yung mga post niya sa kanyang website. Siya yung writer na hindi naman gaano ka-popular pero sa pagbasa ko ng kanyang novels ay nagiging interesado ako.


Papasok na ako sa trabaho ay sumakay ako ng bus. Medyo traffic din sa daan. Sa province talaga yung hometown ko pero nakikipagsapalaran ako dito sa Manila bilang IT. Na-assign ako dito sa malaking kompanya sa Bonifacio Global City (BGC). Lagi kung nadadaanan ang mga malalaking gusali at kapag papasok na ako sa gusali ng kompanya na pinagtatrabahuhan ko ay papasok din naman ako sa elevator. Nasa 24th floor ang opisina ko at sa sobrang taas nito ay halos nakakahilo din minsan dahil araw-araw o weekdays din ako mapapadaan dito sa elevator. Pagkadating ko sa aking opisina ay agad kung binuksan ang computer.

Kinabukasan ay Saturday, wala akong pasok ay may biglang tumawag sa phone ko. Tinignan ko naman agad ito. Nakita ko ang pangalan ni Joshua at ang kanyang picture. Agad ko namang sinagot ito.
“Hello…”
“Hi AC kamusta?” Sabi ni Joshua.
“Ok lang… Ikaw kumusta?” Sabi ko.
“Ok lang din…” Sabi ni Joshua.
“Napatawag ka…” Sabi ko.
“Nandito kasi ako sa manila, pwede ba tayong magkita.” Sabi ni Joshua.
“Ganun ba… Pwede naman, sakto din kasi wala akong pasok.” Sabi ko.

Nagkita kami ni Joshua sa isang mall sa market market. Malaki na ang kanyang pinagbago. Sinabi niya sa akin na isa na siyang engineer at nagtatrabaho siya sa isang malaking kompanya. Sinabi ko sa kanya na isa akong IT malapit lang din dito. Sa paglalakad namin ay may nakita akong bookstore. Hapon na rin ito at mag gagabi na pero pumasok pa rin kami ni Joshua. Malaki at malawak itong bookstore. Meron itong first floor at second floor. Marami din ang mga tao sa loob. Tinitignan ni Joshua ang mga toys at iba’t-ibang superhero sa isang shelves. Habang ako naman ay tumitingin sa bawat books. Sa kakatingin ko sa mga books ay nakita ko ang isang book na nakita ko rin noon sa website ng classmate ko na writer. Kinuha ko ito at binuksan. Ito yung book na nabasa ko pero sa file ko lang nabasa.
“Joshua!” Sabi ko.
Lumingon si Joshua.
“Halika ka…” Sabi ko.
Lumapit si Joshua sa kinaroroonan ko.
“Tignan mo…” Sabi ko.
Tinignan ni Joshua ang book.
“Ito ba yung book na binigay niya sa atin via file na binasa mo?” Sabi ni Joshua.
“Oo ito yun…” Sabi ko.
“Grabe no… Dati parang hindi pa siya sikat pero ngayon nakalagay dito #1 New York Times Bestselling Author.” Sabi ni Joshua.

Binili ko yung book ni Johnford. Tinignan ko yung picture niya sa “About the Author” ng book. Nakasalamin na siya. Dati noong High-School ay hindi naman siya nagsasalamin. Nabasa ko rin na dito siya kasalukuyang nakatira sa Manila.
Nag dinner kami ni Joshua sa isang restaurant. Tinignan ko ang book ni Johnford. May bigla naman akong sinabi.
“Paano kaya kung hanapin natin si Johnford… Or hindi kaya puntahan natin siya sa tinitirhan niya ngayon, siguro naman kilala niya pa tayo.” Sabi ko.
“Naku! Mukhang mahirap yan. Ang mas maganda ay kontakin muna natin siya.” Sabi ni Joshua.

Binuksan ko ang aking phone. Hinanap ko yung facebook page ni Johnford pero wala na ito. Binuksan ko ang Google Chrome at nag-search sa website ni Johnford ngunit walang lumalabas o kahit yung website niya dati. Nag search pa ako at nakita ko ang publisher ng mga books niya. Nakasulat din ang pangalan niya sa website ng publisher at merong picture niya.

Monday Morning papasok na naman ako sa work. Binuksan ko ang aking laptop. Maaga akong nagising mga 5am. May natanggap akong bagong email galing sa kompanya na pinagtatrabahohan ko. Isa itong proposal. Ganito ang nakalagay sa email…

TO: A.C NIEVARA@gmail.com
FROM: Monkeyspublishinghouse@gmail.com

Dear Miss A.C

We are requesting to your company that you are the person in-charge for the development of website, facebook page and other social media platform for Mr. Johnford Medina, one of our authors. As a part of your work, we attached a file which is a letter coming from Mr. Johnford.

Sincerely Yours,

Nagulat ako sa nabasa ko. Nag- download ako sa file na sinabi sa email, which is PDF file. Nabasa ko ang letter ni Johnford pero ang tumatak sa akin ay “Before I Let You Go, I Plan this for You.”

COPYRIGHT ©️ 2023 ALL RIGHTS RESERVED

Design a site like this with WordPress.com
Get started